Muling nagpaalala ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga pribadong kumpanya hinggil sa pay rules para sa mga manggagawa na papasok ngayong Abril, 9, Araw ng Kagitingan na isang regular holiday.
Batay sa Labor Advisory no.18 na may petsang March 25, 2015, lahat ng empleyadong papasok ngayong araw ay babayaran ng 200% ng kanyang regular na sahod para sa unang walong oras.
Kapag nagtrabaho naman ng overtime, babayaran ito ng karagdagang 30 percent sa kanyang hourly rate.
Kapag hindi naman pumasok ngayong araw, babayaran ito ng 100% ng kanyang regular na sahod.
Tags: April 9, Araw ng Kagitingan, DOLE, double pay, labor, labor advisory, pay rules, regular holiday