DOLE: Mga manggagawang kabilang sa A4 group na fully vaccinated na, bibigyan ng libreng bisikleta

by Erika Endraca | June 18, 2021 (Friday) | 4378

METRO MANILA – Kinumpirma ni Labor Secretary Silvestro Bello III na makatatanggap ng ilang insentibo ang mga economic frontliner na nabakunahan na ng pangalawang dose simula Hulyo 1.

“Those workers under the A4 category, who have fully received the vaccines will be given a free bicycle, which the beneficiary can use to start his/her business. It also comes with a cellphone with P5,000 worth of load,” ani Secretary Bello sa isang virtual forum nitong Miyerkules (Hunyo 16).

1,000 na bisikleta ang inisyal na ipamamahagi ng DOLE- Bureau of Workers with Special Concerns (BWSC) sa National Capital Region (NCR) at 1000 din sa iba pang mga regional office sa buong bansa.

Mamimigay din ang ahensya ng mga helmet, raincoat, water bottle at thermal bag bukod sa mga bisikleta.

Samantala, sa mga nagnanais na maging benepisyaryo ng Free Bisikleta (FreeBis) o ‘Baksikleta’ project, kontakin lamang ang DOLE hotline 1349 o ang social media account ng BWSC.

(Rhuss Egano | La Verdad Correspondent)

Tags: , ,