DOLE, maglalaan ng 200K trabaho para sa mga kabataan sa ilalim ng SPES

by dennis | April 10, 2015 (Friday) | 7963
File photo: UNTVweb
File photo: UNTVweb

Magbibigay ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng 200,000 trabaho para sa mga kabataan ngayong taon sa ilalim ng Special Program for the Employment of Students (SPES).

Layunin ng SPES na mabigyan ng pagkakataon ang mga kabataan na makapagsanay at makapagtrabaho sa tuwing panahon ng kanilang bakasyon.

Maaring lumahok sa programa ang mga kabataan edad 15 hanggang 25 taong gulang.

Pasok rin dito ang mga kabataan na kasalukuyang nagaaral o out of school youth na nagnanais na ipagpatuloy ang kanilang pagaaral.

Kinakailangan lamang na magtungo sa pinakamalapit na Public Employment Service Office o PESO sa inyong lugar , at dalhin ang birth certificate , high school diploma , form 138 , sertipikasyon mula sa Pantawid Pamilya Pilipino Program at mag fill up ng SPES application form.

Sakaling matanggap, tatagal ng mula 20 hanggang 22 ang trabaho ng mga mag-aaral sa ilalim ng SPES 2015.

Katulad ng mga regular na manggagawa, makatatanggap rin ng sahod ang mga mag-aaral base sa nakatakdang minumim wage.

60 porisyento nito ay magmumula sa employer habang ang 40 % naman ay manggagaling sa DOLE.

Umaasa naman ang DOLE na sasamantalahin ito ng mga kabataan upang maging produktibo sa panahon ng bakasyon at bilang paghahanda na rin para sa kanilang pagtatrabaho sa hinaharap.(Joan Nano/UNTV Correspondent)

Tags: , , , ,