Magkakaloob ng pansamantalang trabaho ang Department of Labor and Employment sa mga manggagawang tatamaan ng “no work, no pay” scheme sa buong Luzon.
Ayon sa kagawaran, bibigyan nila ng 10-day temporary work ang mga nasabing manggagawa kung saan sila ay tutulong sa pag disinfect ng kanilang bahay at komunidad.
Highest minimum wage ang nakatakdang ipasahod ng kagawaran sa mga nasabing manggagawa.