METRO MANILA – Bibigyan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ng emergency employment ang mga private sector workers na naapektuhan ng 6.8 magnitude na lindol sa Sarangani, Davao Occidental noong November 17.
Ayon kay Labor Secretary Bienvenido Laguesma, ang employment assistance ay nasa ilalim ng TUPAD program.
Dagdag pa ng kalihim, hinihintay pa ng kagawaran ang opisyal na report mula sa kanilang field officials upang matukoy ang kakailanganing budget para sa emergency employment program.
Ang TUPAD program ay nagbibigay ng mga trabaho sa loob ng 10 hanggang 30 araw at nakabatay ang suweldo sa ipinatutupad na minimum wage sa rehiyon.