Itinanggi ng Labor Department ang ulat hinggil sa umano’y katiwalian ng mga opisyal sa paghawak sa Emergency Employment Program.
Sinabi ng DOLE Financial Management Service (FMS) na sinunod ng tanggapan ang “generally accepted budgeting, accounting and auditing rules and regulations in disbursing government funds.”
Tinukoy ng FMS ang ulat na pinagkaitan ng DOLE ang libong working students ng mahigit 32 milyong piso na halaga ng pasahod sa ilalim ng Special Program for the Employment of Students.
Nakasaad din sa parehong ulat na hindi ginamit ang mahigit 800 milyong na pondo ng proyekto para sa 2017.
Pinag-aaralan ng Bureau of Local Employment ang proseso at kinuha ang serbisyo ng remittance center upang gawing mabilis ang pagbabayad ng pasahod sa mga estudyante.
Tags: Bureau of Local Employment, DOLE, Emergency Employment Program