Pasado na sa Kamara at Senado ang panukalang Telecommuting Act o mas kilala bilang work from home scheme.
Sa ilalim nito dapat ay boluntaryo ang work from home scheme, kailangan pa rin ipatupad ang labor standards at hindi dapat mabawasan ang benepisyo at sahod ng manggagawa.
Base sa isang pag-aaral ng Bureau of Labor Statistics sa America, sa buong maghapon halos tatlong oras lang nagagawa ng isang empleyado ang kanyang trabaho sa opisina.
Karamihan ng oras ay napupunta na sa social media, pakikipag kwentuhan sa ka-opisina, pakikipag text, pagkain at iba pa. Pero kung nasa bahay umano ang mga empleyado, mas nagiging focus ito sa kanilang trabaho at nagiging productive.
Isa ang IT project manager na si Richard Cortez sa mga posibleng makinabang kung maisasabatas ang work from home scheme.
Suportado naman ito ng Association Labor Unions dahil mas makakatipid anila sa gastusin ang mga manggagwa. Pangamba lang ng mga ito na baka mahirapan na ang mga empleyado na humingi ng mas maayos na sweldo at benepisyo.
Hindi naman kumbinsido sa dito ang Employees Confederation of the Philippines (ECOP) dahil sa bagal daw ng internet sa Pilipinas.
Dahil sa mga isyung naglabasan, nais ng Deparment of Labor and Employment (DOLE) na magkaroon pa ng mas malalim na pag-aaral sa panukala.
Sa pagbabalik ng sesyon, isasalang na sa bicameral conference committee ang panukalang batas para pagisahin ang bersyon ng Senado at Kamara.
( Grace Casin / UNTV Correspondent )
Tags: DOLE, Kamara, work from home