DOLE handang tumulong sa mga jeepney driver at operator na naaapektuhan ng modenization

by Radyo La Verdad | January 18, 2024 (Thursday) | 9229

METRO MANILA – Handa ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa patuloy na pag-asiste sa mga drayber at operator ng jeep na apektado ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) sa pamamagitan ng “Entsuperneur” livelihood program.

Ayon kay Labor Secretary Bienvenido Laguesma, makakatanggap ng hindi bababa sa P30,000 in-kind livelihood assistance ang mga apektadong transport worker sa pamamagitan ng national alternative livelihood program.

Sinabi ni Laguesma na mayroong listahan ng livelihood projects na maaaring pagpilian ng mga benepisyaryo, ilan sa mga ito ay rice retailing, food stall, animal raising at tailoring.

Dagdag na niya, mahigit 4,500 transport workers na ang nabigyan ng ayuda ng kagawaran kung saan umabot sa humigit-kumulang P123-M

Tags: ,