DOLE at mga tinanggal na manggagawa, umapela sa desisyon ng CA na pumapabor sa PLDT

by Radyo La Verdad | August 23, 2018 (Thursday) | 13441

Bitbit ang mga placards, nagtungo ang nasa dalawang daang natanggal na manggagawa ng Philippine Long Distance Company (PLDT) sa Court of Appeals (CA) upang maghain ng motion for reconsideration, isa na dito ang limangpu’t apat na taong gulang na si Mang Rodrigo.

Kuwento niya, tiniis niya ang mahigit dalawampu’t apat na taong pagiging kontraktual bilang electrician.

Tanging pagiging tricycle driver at pa extra-extra sa ibang trabaho ang ginagawa ngayon ni Mang Rodrigo upang maitawid lang ang pang araw-araw nilang pangangailangan. Pero kahit paano, umaasa pa rin siya na mababaliktad ng CA ang unang desisyon nito.

Ibig sabihin, mula sa mahigit pitong libong listed employees, nasa 1,900 lang ang maaaring maibalik sa trabaho sa PLDT bilang mga regular na manggagawa.

Pinagbasehan nito ang 1997 Department Order Number 10 na hindi makakasali sa regularisasyon ang mga nasa janitorial, messengerial, security guards at clerical services.

Pero giit ng mga manggagawa, hindi na aplikable sa ngayon ang Department Order 10 na pinagbasehan ng korte.

Naghain na rin ngayong araw ang Labor Department ng motion for reconsideration sa CA upang hilingin na baliktarin ang kanilang desisyon at gawing regular ang mahigit pitong libong kontraktwal na manggagawa ng PLDT.

Sakaling hindi naman ikonsidera ng CA ang kanilang mosyon, iaapela nila ito sa Korte Suprema.

 

( JL Asayo / UNTV Correspondent )

Tags: , ,