Doktor na unang nagbabala kaugnay sa 2019 nCoV, pumanaw na

by Erika Endraca | February 7, 2020 (Friday) | 1772

Pumanaw na si Doctor Li Wenliang ang doktor na unang nagbabala kaugnay sa 2019 Novel Coronavirus sa China.

Opisyal na pahayag ng Wuhan Central Hospital sinubukan pa ng mga doktor na i-resuscitate si Doctor Li Wenliang pero pumanaw na ito kaninang 2:58 am (Feb. 7).

Si Dr Li Wenliang ay na-confined noong January 12 matapos mahawa sa isa sa kanyang mga pasyenteng nag-positibo sa 2019-nCoV.

Base sa mga report sinabi ni Dr Li Wenliang sa kanyang mga kasamang doktor noong December 30, 2019 ang impormasyon kaugnay sa 7 pasyenteng mula sa Local Seafood Market sa China na-diagnosed umano ng SARS like illness sa ospital kung saan siya nagtatrabaho.

Pero inakusahan ng mga pulis ang 34 anyos na doktor ng umano’y pagpapakalat ng maling impormasyon kaya isinailalim ito sa imbestigasyon.

2 Linggo matapos ang pagbibigay ng babala ni Dr Wenliang, nagkaroon na ng sunod sunod na kaso ng 2019-nCoV sa Wuhan, China. Nagpaabot na man ng pakikiramay ang World Health Organization sa pagpanaw ng doktor.

Tags: