Tinanggihan ng Department of Justice ang hiling ni Senador Leila de Lima na ilipat na lamang sa Office of the Ombudsman ang apat na kasong kinakaharap niya kaugnay ng umano’y kinalaman niya sa iligal na droga sa New Bilibid Prison.
Ayon kay Justice Sec. Vitaliano Aguirre, wala siyang nakikitang dahilan upang ilipat ang preliminary investigation ng mga kaso sa Ombudsman at hindi aniya dapat payagan na piliin ng mga respondent kung sino ang mag-iimbestiga sa kanila.
Sinabi pa ng kalihim na matagal na siyang nag-inhibit sa mga kaso ni de Lima.
Sa kanyang omnibus motion na inihain nitong Biyernes, sinabi ni de Lima na ang Ombudsman ang may exclusive jurisdiction sa kanyang mga kaso dahil nangyari ang mga alegasyon noong siya ay DOJ secretary pa.
Tags: ang mga kaso ni de Lima, DOJ, tumangging ilipat sa Ombudsman