DOJ, sisimulan na ang extradition process sa Pinoy na sangkot sa New York terror plot

by Radyo La Verdad | October 9, 2017 (Monday) | 2377

Sisimulan na ng Department of Justice na i-proseso ang hiling ng pamahalaan ng Estados Unidos na i-extradite ang orthopedic surgeon na si Dr. Russel Salic.

Kabilang si Salic sa tatlong suspek na kinasuhan sa U.S. dahil sa pagpaplano umano ng mga pag atake sa New York City.

Ayon kay Justice Sec. Vitaliano Aguirre, may prosesong dapat sundin upang madala sa Amerika si Salic.

Kasalukuyan itong nakapiit sa NBI Detention Cell habang sumasailalim sa preliminary investigation sa mga kasong murder at kidnapping matapos masangkot sa pamumugot ng ulo at pagdukot sa ilang kalalakihan sa Iligan City nitong Abril na iniuugnay sa Maute-Isis group.

Tiniyak naman ng Malakanyang na patuloy na makikipagtulungan sa U.S. authorities kaugnay ng proseso.

 

Tags: , ,