DOJ Sec. Aguirre, inatasan ang NBI na magsagawa ng imbestigasyon ukol sa Bulacan massacre

by Radyo La Verdad | July 4, 2017 (Tuesday) | 4643


Ipinag-utos na ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II sa National Bureau of Investigation o NBI na magsagawa ng case build up kaugnay sa pag-massacre sa limang miyembro ng pamilya sa San Jose del Monte, Bulacan noong June 27.

Sa inilabas na Department Order kahapon, inatasan ng kalihim si NBI Director Dante Gierran na simulan ang imbestigasyon.

Pinatitingnan din ni Secretary Aguirre sa ahensya ang findings ng Philippine National Police sa naturang kaso.

Samantala hihintayin naman ng DOJ Chief ang isusumiteng progress report ng NBI sa isasagawang imbestigasyon.

Tags: , ,