DOJ, pinakakansela ang pansamantalang kalayaan ng mga lider ng CPP, NDFP

by Radyo La Verdad | July 2, 2018 (Monday) | 7295

Ipinakakansela ng Department of Justice (DOJ) ang pansamantalang kalayaan ng ilang miyembro ng Communist Party of the Philippines (CPP) at National Democratic Front (NDFP).

Kabilang dito ang NDFP consultants na sina Benito Tiamzon, Adelberto Silva, Rafael Baylosis, Randall Echanis, Vicente Ladlad at Alan Jazmines.

Binigyan ng direktiba ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang mga prosecutor na gumawa na ng hakbang upang baliktarin ang naunang desisyon na payagang makapagpiyansa ang mga lider ng CPP at NDFP upang makadalo sa nakanselang peace talks noong nakaraang linggo sa the Netherlands.

Tags: , ,