DOJ, mananatiling tutol sa pagbuwag sa PCGG at OGCC – SOJ Guevarra

by Radyo La Verdad | May 16, 2018 (Wednesday) | 3827

Nananatiling tutol ang Department of Justice sa pagbuwag sa Presidential Commission on Good Government at Office of the Government Corporate Counsel.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, posisyon parin ng DOJ na manatili ang PCGG at OGCC sa ilalim ng kanilang pangangasiwa, bagamat nirerespeto aniya nila ang desisyon ng mababang kapulungan ng Kongreso.

Kahapon pumasa na sa third and final reading ang House Bill 7376 sa botong 162 to 10.

Gayunman, dadaan pa ito sa bicameral conference ng Kamara at Senado bago isumite at malagdaan ng pangulo upang maging ganap na batas.

Batay sa panukalang batas, bubuwagin ang dalawang ahensiya at ililipat sa Office of the Solicitor General ang lahat ng trabaho at kapangyarihan ng mga ito.

Naitatag ang PCGG matapos ang EDSA Revolution noong 1986 upang maghabol sa mga nakaw na yaman ng pamilya Marcos.

Ang OGCC naman ang nagsisilbing abogado at tagapayo ng mga korporasyon at kumpanyang pagmamay-ari ng gobyerno.

Tags: , ,