DOJ, bubuo ng panel na mag-iimbestiga, kung may iba pang paglabag ang Rappler

by Radyo La Verdad | January 18, 2018 (Thursday) | 2856

Pinag-aaralan na rin ngayon ng Department of Justice kung mayroon naging iba pang paglabag ang Rappler News Agency.

Kasunod ito ng desisyon ng Securities and Exchange Commission na tanggalan ng prankisa ang Rappler News Agency dahil sa paglabag umano sa Anti- Dummy Law, kung saan dapat na  ang local media network ay 100 percent na pagmamay-ari at pinapatakbo ng Pilipino.

Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre, wala itong kinalaman sa pagsikil ng malayang pamamahayag ng mga media entities sa bansa.

Ang pinag-uusapan aniya dito ay ang ownership ng Rappler at hindi ang kalayaan sa pamamahayag.

Samantala, matatandaang nauna nang nanindigan ang Rappler na ipaglalaban nila ang kaso sa korte.

Anila, hindi naging patas ang Securities and Exchange Commission dahil hindi muna kinuha ang kanilang panig bago naglabas ng desisyon.

 

( Rajel Adora / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,