DOJ, binalaan ang ICC sa pagpunta sa Pilipinas

by Radyo La Verdad | July 20, 2023 (Thursday) | 12770

METRO MANILA – Nagbabala ang Department of Justice (DOJ) sa International Criminal Court (ICC) na huwag nang magpumilit na pumasok sa bansa para ituloy ang imbestigasyon sa war on drugs ng nagdaang Duterte administration.

Binigyang diin ni DOJ Secretary Crispin Remulla na hindi na welcome sa bansa ang mga ito.

Kakausapin din aniya ang solicitor general na itigil na ang engagement sa ICC.

Payo pa ng DOJ sa ICC, pagtuunan na lang ng pansin ang mga bansa na walang umiiral na sistema ng hustisya at magulo.

Samantala, ayon naman sa abogado ng ilan sa mga sinasabing biktima ng war on drugs, patuloy silang makikipagtulungan sa ICC.

Umapela din sila sa mga Civil Society Organization na tulungan ang mga biktima sa pangangalap ng mga dokumento na makatulong sa imbestigasyon ng ICC.

Tags: ,