DOJ at PNP, kapwa tutol sa panawagang humiwalay ang Mindanao sa Pilipinas

by Radyo La Verdad | February 6, 2024 (Tuesday) | 35108

METRO MANILA – Kapwa tinutulan ng Department of Justice (DOJ) at Philippine National Police (PNP) ang mga panawagang secession o paghiwalay ng Mindanao sa Pilipinas.

Ayon sa DOJ, labag sa prinsipyo ng democratic society ang secession alinsunod sa Article 2, Section 2 ng konstitusyon.

Bilang principal law agency ng ehekutibo, nananatili umanong committed ang DOJ sa pangangalaga sa soberanya ng Pilipinas.

Ayon naman kay PNP Chief PGen. Benjamin Acorda Jr., hindi maaaring mabalewala ang maraming buhay at dugo na isinakripisyo para sa kapayapaan ng Mindanao at posibleng magresulta umano ng gulo ang paghihiwalay dito.

Tags: , ,