DOH: Walang scientific evidence na nakakapuksa ng virus o lunas sa COVID-19 ang tuob o steam inhalation

by Erika Endraca | June 26, 2020 (Friday) | 10212

METRO MANILA – Nagbabala ang Department Of Health (DOH) sa panganib na posibleng idulot ng “tuob” o steam inhalation matapos mapabalita na ginagawa umano itong paraan ng iba para mapatay ang virus.

Ayon sa DOH, walang matibay na ebidensya na nakapupuksa ito ng SARS- COV2 o ang virus na nagdudulot ng COVID-19.

“Nais lang po namin bigyan linaw na wala pong scientific evidence na nagpapatunay na ang steam inhalation o paglanghap ng steam na may asin. Lemon, at iba pang sangkap ay nakakapatay ng virus na nagiging sanhi ng sakit na Covid-19.” ani DOH Spokesperson Usec Maria Rosario Vergeire.

Ayon sa DOH, imbes na makaginhawa ay maaari pa itong magdulot ng aksidente gaya ng pagkapaso

Hindi rin umano inirerekomenda ng US Centers for Disease Control and Prevention at Wolrd Health Organization ang steam inhalation practice bilang lunas sa COVID-19

“Alinsunod din po ito sa joint statement ng ating mga local medical societies na hindi po ito inirerekomenda bilang preventive or curative measure.” ani DOH Spokesperson Usec Maria Rosario Vergeire.

May posibilidad pa na mapasama ang virus sa singaw na maaring pagmulan ng lalong pagkalat ng sakit. Ang steam inhalation din po ay nagpaparami ng secretions sa ilong na posibleng makahawa ng sakit sa pamamagitan ng pagbabahing o pag-ubo ng inidbidwal. 

Ang pinakamabisa pa rin aniyang paraan para makaiwas sa COVID-19 ay ang pagsunod sa minimum health standards.

Samantala, umabot na 33, 069 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas .

778 ang nadagdag kahapon, mas madami ang fresh cases kung saan umabo ito sa 415 at 363 naman ang late cases .

Halos 9,000 na ang COVID-19 sirvivors sa Pilipinas samantalang nasa 1, 212 naman ang nasawi sa sakit.

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: