DOH, walang nakikitang dahilan para itaas sa Alert Level 3 ang Pilipinas sa gitna ng banta ng Omicron

by Radyo La Verdad | December 17, 2021 (Friday) | 8934

METRO MANILA – Nakapasok man ang Omicron variant sa Pilipinas, wala pa ring babaguhin o idadagdag ang Department of Health (DOH) sa mga umiiral na COVID-19 restrictions.

Hindi rin itataas sa Alert Level 3 ang buong bansa. Depensa ng DOH, wala pa silang matibay na batayan para ipatupad ito

“Sa ngayon wala pa ho tayong rason para itaas agad uli ang ating mga alert level system. Tayo po ay patuloy na magmamatyag at magmomonitor para makita natin. The very first sign na makakakita tayo na parang tataas ang mga kaso, hindi po tayo maga-antay or magde-delay sa response na iyan. Sa ngayon, atin muna nating imonitor ang sitwasyon and titingnan natin in the coming days if we need to or increase our alert level systems so we can have more restrictions.” ani DOH Spokesperson, Usec. Maria Rosario Vergeire.

Paliwanag pa ng DOH, may mga batayan sila kung bakit mananatili sa alert level 2 ang buong Pilipinas.

Lalo na’t hindi naman na umaabot sa isandaan ang bagong kaso ng COVID-19 sa epicenter ng pandemya kada araw.

Samantala, ayon sa DOH hindi rin dapat mag- panic ang pubiko kahit may naitala nang kaso ng Omicron sa Pilipinas.

Tiniyak ng mga otoridad na lahat ng mga nakasalamuha at nakasabay sa flight ng nagpositibo sa bagong variant ay sumailalim at naka-kumpleto ng quarantine facility at negatibo sa COVID-19 testing.

Batay sa update ng DOH, ang isang close contact ng Returning Overseas Filipino mula sa Japan, nag- negatibo sa COVID-19 noong December 4. Nagkasabay sila sa Philippine Airlines flight PR 0427.

Ang 37 taong gulang na Nigerian national may 7 close contacts naman. Lahat sila ay negatibo sa kanilang RT-PCR test. Dumating sila sa bansa noong November 30 via Oman air flight number WY 843

“The reason why there were just 7 close contacts because the foreign national sat at the very end of the plane, so we only counted those in front of him and on those on his side” ani DOH Spokesperson, Usec. Maria Rosario Vergeire.
Ayon sa doh, isasailaim sa repeat RT- PCR TEST ang 2 Omicron cases sa bansa.

Paliwanga ng DOH, batay sa epidemiologic identification ang maituturing na close contacts ng isang pasahero na positibo sa sakit ay ang 4 na rows ng mga pasaherong nakaupo sa harap, likod, kanan at kaliwa nito.

Patuloy namang nananawagan ang DOH sa mga nakasakay sa eroplano ng 2 Omicron variant cases na obersbahan pa rin ang sarili.

At kung sakaling makaranas ng anomag sintomas ay kaagad mag- isolate at makipag- ugnayan sa DOH o sa LGU para sa karampatang COVID-19 response.

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: ,