Nakahanda na ang Department of Health Eastern Visayas para sa mga posibleng kaso ng firecracker-related injuries.
Ayon kay DOH Regional Director Minerva Molon, naka pre positioned na ang 50-thousand anti-tetanus at anti-biotecs kung sakaling kakailanganin ito ng mga district at provincial hospitals ngayong holiday season.
Tiniyak ng ahensya na hindi kukulangin sa supply ngayong taon dahil maraming gamot ang nai-donate sa kanilang tanggapan pagkatapos ng pananalasa ng bagyong Yolanda noong 2013.
Muli namang nananawagan ang Department of Health sa Eastern Visayas na kung maaari umiwas sa paggamit ng mga paputok.
Sa tala ng DOH, noong nakaraang taon may naitala silang pitumpu na kaso ng fire cracker related injuries.
Karamihan sa mga nabiktima ng paputok noong nakaraang taon ay dahil sa picolo.
Kaya naman nakikipag-ugnayan na sila sa PNP at DEPED upang matulungan silang paigtingin pa ang Aksyon: Paputok Injury Reduction o APIR Campaign.
Ayon sa DOH, sa ilalim ng Republic Act 7183 pinapayagan ng batas na mag manufacture at mag distribute ng fire crackers at fireworks.
Subalit ang mahigpit na ipinagbabawal ang pagbebenta at paggamit ng mga paputok tulad ng:
• Watusi
• Piccolo
• Super lolo
• Atomic big triangulo
• Mother rockets
• Lolo thunder
• Pillbox
• Boga.
• Kwiton
• Goodbye philippines
• Atomic bomb
• Five star
• Pla-pla
• At giant whistle bomb
(Jenelyn Gaquit / UNTV Correspondent)
Tags: DOH VIII, eastern visayas, firecracker-related injuries
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com