METRO MANILA – Iniulat ng Department of Health (DOH) na fully recovered na at natapos na ang mandatory isolation ng 14 na kaso ng Omicron BA.2.12.1 Subvariant na naitala sa Pilipinas.
Dalawa sa mga ito ang mula sa National Capital Region (NCR) at 12 naman ang sa Puerto Princesa Plawan.
Ayon sa doh, pawang mild symptoms lamang ang naranasan ng mga ito, dahil lahat naman sila ay fully vacinated.
Sa isang panayam sinabi ni DOH Spokesperson Undersecretary Maria Rosario Vergerie na nagsasagawa na sila ng surveillance upang matukoy kung saan nakuha ng mga pasyente ang mas nakakahawang variant ng COVID-19.
Sa ulat ng DOH walang anumang travel history mula sa ibang bansa ang nasabing mga carrier ng Omicron Subvariant.
Sa kabila nito, nilinaw ng Health Department na masyado pang maaga para sabihin na mayroon nang local transmission ng Omicron BA.2.12.1 Subvariant sa bansa.
Samantala, target naman ng pamahalaan na mabakunahan kontra COVID-19 ang nasa 77 million ng eligible population hanggang sa katapusan ng hunyo ngayong taon, kasabay ng pagtatapos ng termino ng Duterte administration.
Ayon kay Usec. Vergerie katumbas ito ng nasa 85% ng orihinal na 90 million target vaccination ng pamahalaan.
Sa ngayon mayroon nang 68.5 million na mga Pilipino nabakunahan na laban sa COVID-19.