DOH Sec. Duque, naka-home quarantine

by raymond lacsa | March 19, 2020 (Thursday) | 3776

Kinumpirma ni Health Secretary Francisco Duque III sa UNTV sa pamamagitan ng tawag sa telepono na siya ay kasalukuyang naka-work from home at sumasailalim sa home quarantine.

Kamakailan ay nagkaroon ito ng exposure sa isang senior official ng Department of Health na nagpositibo sa COVID-19.

Ayon sa Kalihim, maaari siyang magsagawa ng teleconference mula sa loob ng kanyang bahay.
Ito ay para makapagbigay pa rin siya ng update sa publiko ukol sa coronavirus disease.

Hinihintay ng opisyal ang resulta ng swab test. Lalabas ang test result sa loob ng dalawa hanggang tatlong araw.

Tiniyak ng Kalihim na nasa maayos siyang kalagayan. Kailangan lamang niyang sumunod sa protocol sa pagsasagawa ng quarantine.
Wala aniya siyang sintomas ng sakit, at patuloy itong magtatrabaho mula sa bahay.

Nagpapasalamat din ang Health Chief sa lahat ng nagpaabot ng pagbati at pag-aalala sa kanya.

Mahigpit na bilin ni Sec. Duque sa publiko, manatili sa tahanan at sundin ang social distancing.

Sa paggawa ng mga ito, maiiwasan ang pagkahawa sa coronavirus disease. –Aiko Miguel

Tags: