DOH Region V, umaasang bababa ang firecracker-related injuries sa rehiyon

by Radyo La Verdad | December 31, 2016 (Saturday) | 1008

allan_umaasa
Umaasa ngayon ang Department of Health dito sa Bicol Region na bababa ang bilang ng mga naputukan sa rehiyon sa pagsasalubong ng pagpapalit ng taon mamayang hating gabi.

Ito umano ang posibleng maging epekto matapos ang pananalasa ng bagyong Nina sa buong kabikolan.

Ayon kay Ginoong Bernard Mongo ang DOH Representative mas pagtutuunan ng pansin ngayon ng mga apektadong pamilya ay kung papaano nila aayusing ang mga nasirang tahanan.

halos 90 porsyento sa Camarines Sur, Catanduanes at Polangui, Albay ay nawalan at nasiraan ng mga tahanan.

Batay sa datos na ipinalabas ng DOH Reg V meron nang 31 naiulat na mga nabiktima ng paputok mula Disyembre 21 hanggang a-30.

Kabilang dito ang 18 sa Albay na sya nangunguna sa may pinakamaraming talaan

10 sa Masbate, 2 Camarines Norte at 1 sa Camarines Sur.

Samantala, hindi naman papayag ang ilang mga kababayan nating bikolano na hindi maghanda sa pagsalubong ng pagpapalit ng taon.

Ayon sa ilang nakausap natin na nawalan ng tirahan dahil sa bagyo, kahit sa isang maliit na salu-salo ay maghahanda sila bilang selebrasyon sa panibagong darating.

Apela na ilan sana tulungan sila ng ating pangulo na makabangon sa malaking dagok sa kanilang buhay ngayon matapos ang matinding hagupit ng bagyo.

(Allan Manansala / UNTV Correspondent)

Tags: ,