Epektibo na sa a-bente dos ng Hulyo ang Executive Order number 26 ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagbabawal sa paninigarilyo sa mga pampublikong lugar.
Ayon kay Health Secretary Paulyn Jean Ubial, pangunahing responsable sa pagpapatupad nito ang mga lokal na pamahalaan at national agencies tulad ng PNP, MMDA AT DOH.
Ang mga LGU din titiyak na walang maninigarilyo sa public conveyances.
Upang matiyak ang istriktong pagpapatupad sa polisiya, pinag-iisipang gawin ng DOH ang name and shame campaign.
Aminado naman ang kalihim na magiging mahirap ang pagtupad sa nationwide smoking ban partikular na sa probisyong kailangang maglagay ng indoor designated area ang mga establisyemento.
Gayunman, umaasa pa rin ang pamahalaan na susundin ang panuntunang ito.
Muli namang nagpaalala ang DOH sa mga parusang maaaring kaharapin ng mga ‘di tutupad sa smoking ban.
Tulad ng pagmumulta ng 500 hanggang 10 libong piso at pagkakulong ng hindi hihigit sa 30 araw depende sa magiging desisyon ng korte.
(Rosalie Coz / UNTV Correspondent)
Tags: DOH, Health Secretary Paulyn Jean Ubial, LGU