DOH, planong gawing 5S strategy ang paraan ng pagpuksa ng Dengue sa bansa

by Radyo La Verdad | August 13, 2019 (Tuesday) | 9052

Umakyat na sa 10, 349 ang Dengue cases sa National Capital Region batay sa ulat ng DOH mula January 1 hangganh August 3 ngayong 2019. Nguni’t paliwanag ng DOH, mababa naman ito ng 8% kumpara sa kaparehas na panahon noong 2018.

Paliwanag din ni Health Sec. Francisco Duque III, hindi pa naman umaakyat sa epidemic threshold ang Dengue cases sa buong NCR ngayong taon.

Sampu sa 17 lungsod na sa NCR ay nakitaan ng paglobo ng Dengue cases. Kabilang sa may pinakamataas na Dengue cases ang Parañaque City, Malabon City, Taguig City, Makati City at Mandaluyong City.

Nasa 24 na rin ang naitalang nasawi sa NCR mula Enero sa kabuoan, 720 naman ang naitalang nasawi sa buong bansa.

Dahil sa patuloy na paglobo ng Dengue cases, ipinahayag naman ni Health Sec. na plano ng DOH gawing 5S strategy ang pagpuksa ng Dengue sa bansa. Ito ay ang sustained hydration o ang pagbibigay ng sapat na fluid intake ang mga nakikitaan ng sintomas ng Dengue lalo na ang mga batang may Dengue na.

Sa kasalukuyan, umabot na sa 106, 607 ang Dengue cases sa Pilipinas mula Enero hanggang August 3,2019.

Ayon pa sa DOH Pilipinas ang may pinakamatass na Dengue cases ngayong taon kumpara sa limang bansa sa asya na may Dengue cases din. Ito ay ang mga bansang Laos, Vietnam, Thailand, Indonesia at Singapore.

Kaninang umaga ay nag-ikot din ang health officials dito sa loob ng DOH compound upang ipakita ang tamang paraan ng paghanap at pagsira ng mga posibleng pamugaran ng Dengue carrying-mosquito.

(Aiko Miguel | UNTV news)

Tags: , ,