DOH, pinagiingat ang publiko sa pagkonsumo ng sobrang murang pagkain

by dennis | July 13, 2015 (Monday) | 2821

viber image9

Umabot na sa 1,925 katao na karamihan ay mga estudyante mula edad sampu hanggang 14 taong gulang ang nalason matapos kumain ng durian candies sa Caraga Region noong nakaraang Biyernes, ika-10 ng Hulyo.

66 sa mga ito ay kasalukuyan paring naka-admit at inoobserbahan sa ibat-ibang ospital sa rehiyon.

Nagpapaalala naman ang Department of Health (DOH) na tiyakin kung ligtas kainin ang mga holiday promo items at mga buy one take one o freebies na iniaalok ng mga vendor.

Dapat din tiyakin na may nakalagay na expiration date sa mga pakete ng lahat ng processed food maging ang mga gamot na nabibili sa mga botika.

Sakaling makaranas ng pagsusuka, pagdudumi, sakit ng tyan at pagkahilo dahil nakakain ng hinihinalang expired o may lasong pagkain, agad na dalhin ito sa pinakamalapit na pagamutan.(Joms Malulan/UNTV Radio)