DOH, pinabulaanan na may bagong variant na ng Covid-19 sa Pilipinas

by Erika Endraca | January 4, 2021 (Monday) | 1761

METRO MANILA – Naglabas ng official statement ang Department Of Health (DOH) upang linawin na walang na- detect na UK variant ng Covid-19 sa Pilipinas

Ito ay batay na rin aniya sa resulta ng isinagawang Genome Sequencing ng Philippine Genome Center.

Ayon pa sa pahayag ng DOH, lahat ng RT- PCR positive specimens na mula sa mga bansang may kumpirmadong kaso ng UK variant ay sasailalim sa genome sequencing simula ngayong araw ng Lunes January 4,2021

“ The UP-genome center, theRITM, and the UP National Institutes of Health are already starting to do their genome sequencing just to identify if this variant is already here.”ani DOH Sec. Francisco Duque III.

Tiniyak din ng DOH na nakikipag- ugnayan sila sa mga kinauukulang ahensya upang mahigpit na bantayan ang borders at matiyak na walang makapapasok na Covid-19 UK variant sa Pilipinas.

“What we like to emphasized would be ayaw po natin papasukin itong variant na ito that is why we are doing all of these measures katulad ng ginagawa natin ngayon.”ani DOH Usec Maria Rosario Vergeire .

Samantala, itinananggi ng DOH, DOST at FDA ang akusasyon na hindi tinugunan ang mga dokumento ng vaccine manufacturer na sinopharm para magsagawa ng clinical trial sa Pilipinas .

Katunayan anila, inaprubahan ng Inter- Agency Task Force ang pagsali ng Pilipinas sa clinical trial ng Sinopharm noong Mayo pa alinsunod sa IATF- EID Reso no. 39

Nakipag- ugnayan din aniya ang Sinopharm sa DOST kalakip ang 2 proposal. Una, ang clicnal trial ay dapat pondohan ng Pilipinas. Pangalawa, dapat ay kilalanin ng bansa ang approval o authorization sa kanilang bansa, ang China.

Tumugon aniya ang DOST na ang maaari lamang pondohan ng Pilipinas ay ang WHO solidarity trial. Ayon din sa FDA , sa kasalukuyan ay wala pang isinusumite ang Sinopharm sa kanila na aplikasyon sa pagasasagawa ng clinical trial at maging ng Emergency Use Authorization (EUA) application.

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: