DOH, patuloy na nakabantay sa mga kaso ng JN.1 sa Pilipinas

by Radyo La Verdad | December 26, 2023 (Tuesday) | 534

METRO MANILA – Nananatiling nakabantay ang Department of Health (DOH) sa JN.1 COVID-19 Subvariant.

Ayon sa DOH, bagamat hindi pa naman ito dahilan upang ibalik ang mask mandate sa kabila ito ng paggaling ng 18 naitalang kaso sa Pilipinas.

Pinapayuhan pa rin ang publiko lalo na ang vulnerable sector na magpabakuna laban sa COVID-19.

Makabubuti rin kung iiwas muna sa matataong lugar at ugaliin ang palagiang paghuhugas ng kamay.

Sa ngayon, mahirap matukoy ang naturang subvariant lalo na kung hindi naman magpapasuri dahil ang mga sintomas nito ay katulad lang din ng mga nararanasan sa ibang flu like illnesses.