DOH, patuloy ang imbentaryo sa pa-expire na Covid-19 vaccines

by Radyo La Verdad | April 5, 2022 (Tuesday) | 16980

Hindi pa kinukumpirma ng Department of Health ang pahayag ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion na mayroong 27 million Covid-19 vaccine doses ang mage-expire na sa Hulyo. Ngunit paliwanag ni DOH Undersecretary at Chairperson ng Natioal Vaccination Operations Center Myrna Cabotaje, bumaba rin kasi ang bilang ng mga nagpapabakuna kaya marami ang hindi pa nagamit.

Ang mga tinutukoy na Covid-19 vaccines ay dumating sa bansa bago matapos ang 2021 at nitong Enero 2022.

Ayon pa kay USEC. Cabotaje, habang hindi pa nasisira ang mga bakuna ay magagamit ito sa mga bakuna center.

Target ng DOH na gawing available lahat ng Covid-19 vaccine sa mga bakuna center para sa mga walk-in.

Nitong Pebrero nakipag-ugnayan din ang DOH sa mga vaccine manufacturer na kung maaaari ay mapalawig ang shelf life ng Covid-19 vaccines na idenedeliver sa Pilipinas. Katunayan may ilang supply ng astrazeneca Covid-19 vaccines ang inextend ang shelf life ng talong buwan at aprubado ito ng Food and Drug Administraton.

“Iyong astrazeneca at iba pang bakuna nag-request tayo na ma- extend ang shelf life. Iyong iba ay kasalukyang pinag-aaralan, iyong iba ay binigyan ng extension na 3 months shelf life, iyong iba hindi na pwede,” ayon kay USEC. Myrna Cabotaje, DOH, Chairperson, National Vaccination Operations Center.

Dagdag pa ng Health Official, plano naman talagang i-donate sa mga bansang nangangailangan nito, kasalukuyan pang tinatalakay ang proposal ng donasyon sa pagitan ng Department of Foreign Affairs para sa mga potential recipients ng mga sobrang Covid-19 vaccines.

“Pinag-uusapan pa iyan ng FDA at mga concerned na mga bansa. Iyong mga dinonate sa atin we are also coordinating with the covax kung pwedeng ire-deploy, kung hindi na, iyong mga hindi pa magbabakuna idi-distribute pa rin natin sa buong bansa,” ani DOH USEC. Myrna Cabotaje.

Tinyak naman ni USEC Cabotaje na ang mga expired na talaga, hindi ginagamit at talagang sinusunog para hindi ito magamit o maibenta ninoman.

Samantala, itutuloy ng pamahalaan ang pagsasagawa ng special vaccination days sa mga rehiyong mababa ang vaccination rate pagkatapos ng long holiday nitong Abril.

Isa rito ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na may 27% pa lang na fully vaccination rate.

Aiko Miguel | UNTV News

Tags: ,