DOH, pag-aaralan ang resulta ng pagsusuri ng PNRI sa mga suka sa bansa

by Erika Endraca | May 21, 2019 (Tuesday) | 6276

Manila, Philippines – Nangako ang Department of Health (DOH) na aaksyon sakali makumpirma nito ang ginawang pag-aaral ng Philipipne Nuclear Research Institute (PNRI) hingil sa mga klase ng suka sa bansa.

Ayon kay Department of Health (DOH) Usec Eric Domingo, ang mga suka lamang aniya na ginamitan ng natural na acetic acid ang maaaring legal na maibenta sa merkado at hindi ang synthetic acetic acid.

Sa ngayon aniya ay nasa 274 ang rehistradong brand ng suka sa Food and Drug Administration (FDA).

Una nang inihayag ni Agriculture Secretary Manny Piñol na nais nitong maalis sa merkado ang mga pekeng suka na kabilang sa natuklasan ng pnri.

“Kasi ang suka kapag niregister sa fda, ang classification natin kailangan dyan sa natural permentation yung acetic acid. So kung totoo na mayroon mga brand dyan na gumagamit siya ng synthetic na acetic acid then maryoong mali sa kanilang labelling at saka sa kanilang rehistro at kailangan talaga nating imbestigahan.” ani DOH Usec Eric Domingo.

Ayon sa kalatas ng PNRI nito lamang may 10, sinuri ng ahensya ang mahigit sa 360 samples sa bansa. Ang resulata, 8 sa 10 sa mga ito ay gawa sa synthetic acetic acid.

Ayon sa section head ng nuclear analytical techniques application section ng pnri, ang mga condiments gaya ng suka ay karaniwang dumadaan sa fermentation at galing sa mga prutas at iba pang natural na produkto.

Maaari aniyang panggalingan ang mga malulumbang sakit ang mga residue na galing sa petroleum by-products.

Hindi pinangalanan ng pnri ang mga nasuring produkto at pinadala na nila ito sa fda. Karamihan ng mga tindahan sa kamuning market ay branded ang itinitinda.

Payo ni Piñol na mas maigi na tangkilikin ang mga sukang mula sa niyog, tubo, sasa at iba pang mga prutas na mabibili din sa merkado.

(Rey Pelayo | Untv News)

Tags: , , ,