DOH nilinaw na walang ipatutupad na lockdown sa gitna ng Pertussis Outbreak

by Radyo La Verdad | March 27, 2024 (Wednesday) | 8025

METRO MANILA – Binigyang diin ni Department of Health (DOH) Secretary Ted Herbosa sa publiko na hindi mandatory ang paggamit ng facemask sa kabila ng pagtaas ng kaso ng Pertussis at tigdas sa bansa.

Pinapayuhan naman niya ang publiko na gumamit ng facemask kung kinakailangan lang lalo kung may kasalukuyang sakit na nararamdaman.

Pinag-iingat na rin ni Secretary Herbosa ang mga may edad na o senior citizens dahil isa sila sa madaling mahawaan ng anomang sakit.

Para makaiwas sa kumakalat na mga sakit payo niya na ugaliing maghugas ng kamay at panatilihin ang kalinisan sa piligid at sa ating katawan.

Tags: ,