DOH, nangangailangan ng P57-B upang magkaroon ng isang doktor kada isang barangay

by Radyo La Verdad | September 5, 2016 (Monday) | 1659

DO-SEC-PAULYN-JEAN-UBIAL
Nangangailangan ng 57 bilyong pisong pondo ang Department of Health upang magkaroon ng isang doktor kada isang barangay sa bansa.

Subalit ang pondong ito ay pampasahod pa lamang sa mga health professional.

Sa kasalukuyan, sa Pilipinas, may isang doktor lamang na tumitingin sa kalagayan ng nasa 33 libong pasyente.

Malayo ito sa rekomendasyon ng World Health Organization na isang doktor kada 20 libong pasyente.

Kamakailan ay inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Health Secretary Paulyn Ubial na magtungo sa Cuba upang obserbahan ang health system doon na itinuturing na pinakaepektibo sa buong mundo.

(Rosalie Coz / UNTV Correspondent)

Tags: , ,