DOH, nananawagan sa mga magulang na pabakunahan na ang kanilang mga anak

by Radyo La Verdad | December 6, 2022 (Tuesday) | 23317

METRO MANILA – Kinumpirma ng Department of Health (DOH) kamakailan na nakapasok na sa bansa ang subvariant BQ.1, at pinaniniwalaang ito ay mas nakahahawa.

Sa pagsisimula ng Bakunahang Bayan Program ng DOH, muling hinimok ng kagawaran ang mga magulang na pabakunahan na ang kanilang mga anak

Layon ng programa na mas marami pang kabataan edad 5-17 taong gulang ang mabakunahan, lalo’t nangangailangan ang mga ito ng proteksyon ngayong balik face-to-face na ang pasukan.

Ayon kay Dr. Gloria Balboa, Regional Director ng DOH-Metro Manila Center for Health Development, target nilang mabakunahan ang mahigit 529,000 na mga bata edad 5-11 at mahigit 158, 000 na may edad 12-17 sa National Capital Region (NCR).

As of December 5, mahigit 13 milyon na ang naturukan ng first dose sa NCR.

Habang mahigit 12 milyon naman ang fully vaccinated.

Ang Bakunahang Bayan program ng DOH ay sinimulan kahapon (December 5) at magtatapos bukas (December 7) araw ng Miyekules.

(Gladys Toabi | UNTV News)

Tags: , ,