METRO MANILA – Nakapagtala na ng 2 biktima ng paputok ang Department Of Health (DOH) simula noong Sabado (Dec. 21).
Nagtamo ng burn injury ang mga ito na na-identify lamang na isang 23-anyos na lalaki mula sa NCR at isang 4-taong gulang na batang babae.
Kwitis at isang hindi pa natutukoy kung anong uri ng paputok ang nakapinsala sa mga ito
Batay sa ulat ng DOH, mas mababa pa rin ang datos na ito kumpara sa anim sa kaparehas na panahon noong 2018.
Paalala ng DOH, huwag nang gumapit pa ng mga ipinagbabawal na paputok
Simula noong Sabado (Dec. 21), naka- code white alert na rin ang lahat ng pampublikong ospital sa bansa hanggang January 5.
(Aiko Miguel | UNTV News)
Tags: DOH, firecracker-related injuries
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com