METRO MANILA – Mahigit 4 Milyong Pilipino na ang nabakunahan ng Department of Health (DOH) kontra COVID-19 ayon sa huling ulat ni DOH Undersecretary at National Vaccination Operations Center Chairperson Usec. Myrna Cabotaje.
Sa kabuuan, mayroon nang 4,495,375 doses ang naibigay sa publiko: 3.4 Milyong Pilipino na ang nabakunahan ng 1st dose samantalang nasa 1 Milyon naman ang nakatanggap na ng 2nd dose. Ayon pa sa ulat ng kawani, nasa 85% na ng Priority A1 and nakatanggap ng 1st dose ng bakuna. Ilan sa mga kabilang sa Priority A1 ay ang mga Frontliner gaya ng mga Medical Professional.
Kinakailangan pa rin ang patuloy na pagsulong sa pagbabakuna ng mga nasa A2 at A3 Priority Group dagdag pa ni Cabotaje. Ito ay ang mga Senior Citizen kung saan nasa 12% pa lamang ang nababakunahan.
Nagpapasalamat naman si Cabotaje sa patuloy na pagsuporta sa vaccination program ng pamahalaan kung saan mayroon nang 1, 381 registered vaccination sites dito.
(Beth Pilares | La Verdad Correspondent)
Tags: COVID-19 VACCINATION