DOH, nagpapaalala sa publiko na huwag magtambak ng basura sa sementeryo upang makaiwas sa sakit

by Radyo La Verdad | October 27, 2017 (Friday) | 3051

Nakahanda ang DOH-accredited hospitals na tumugon sa anumang medical cases ngayong undas. Simula sa Lunes, October 30 hanggang November 2 ay naka-code na white ang mga ito.

Nangangahuluhan ito na 24/7 nakaantabay ang mga hospital staff para sa anomang mga hindi inaasahang pangyayari at tutugon sa mga health related incidents.

Batay sa Administrative Order No. 2008- 0024 ng DOH, lahat ng general at orthopedic surgeons, anaesthesiologists, internists at lahat ng nurses ay dapat handang tumugon sa anomang emergency situation.

Ayon pa kay Dr. Lyndon Lee Suy, spokesperson ng DOH, isa pa sa mga pangunahing ipinapaalala nila ay ang pakikipagtulungan ng publiko sa pagpapanatili ng kalinisan sa kapaligiran.

Maigi rin aniyang magbaon na lang ng mga pagkain na hindi madaling mapanis kaysa bumili sa mga tindahan upang makatiyak na malinis ang preparasyon ng mga ito.

Nakiusap rin ito sa mga magulang na hanggat maaari ay huwag nang magsama ng mga maliliit na bata sa semeteryo upang hindi sila ma- expose sa mga sakit o maipit at madisgraysa sakaling magkaroon ng gulo at stampede.

Sa mga may health conditons naman, tiyaking dala ang mga gamot upang maiwasang mahilo o sumpungin ng sakit.

Magdala na rin aniya ng payong bilang panangga sa init at ulan lalo na’t paiba- iba ang lagay ng panahon ngayon.

Bukas din ang DOH hotline na 711- 1001 at 711- 1002 na umasiste sa publiko sa araw ng undas.

 

( Aiko Miguel / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,