DOH, nagpapaalala sa paggamit ng public swimming pools

by Radyo La Verdad | April 11, 2024 (Thursday) | 10699

METRO MANILA – Nagpaalala ang Department of Health (DOH) sa publiko kaugnay sa paggamit ng public pools.

Ayon kay Health Secretary Ted Herbosa, maaaring may mga sakit na makukuha dito lalo na ang mga bata kung hindi ito regular na nalilinis o napapalitan ng tubig.

Hinihikayat rin ng DOH ang lahat na ireport sa kanilang tanggapan o lokal na pamahalaan ang mga ganitong sitwasyon.

Kasama rin sa ipina-alala ng DOH ang pag-iingat sa pagkain sa panahon ng tag-init tulad ng halo-halo baka kontaminado ng mikrobyo ang ginamit na yelo dito

Tags: ,