DOH, nagpadala ng mental health at psycho-social support team sa mga apektado ng lindol

by Radyo La Verdad | April 11, 2017 (Tuesday) | 2625


Takot pa ring bumalik sa mga gusali at kani-kanilang mga bahay ang mga residente sa Batangas kasunod ng lindol noong Sabado.

Bunsod ito, nagpadala na ang Department of Health ng mga tauhan sa mga naapektuhang lugar upang magbigay ng psycho-social debriefing sa mga ito.

Bukod dito, nagpadala na rin ang DOH Central Office ng iba’t-ibang mga gamot at ng limampung tents na nagkakahalaga ng mahigit anim na raang libong piso.

Ayon sa Health Emergency Management Bureau ng DOH, may isinasagawa na rin na structural assessment sa mga ospital na nagkaroon ng sira upang matiyak kung pwede pang magamit o isasara na lang muna.

Ayon kay Sec. Paulyn Jean Ubial, may contingency planning na rin at ilang hakbang na ginagawa ang Department of Health sakaling tumama pa ang mas malakas na lindol gaya ng the big one sa Metro Manila.

Samanatala, patuloy na kinukumpirma ng DOH ang bilang ng napaulat na nasugatan sa lindol.

(Aiko Miguel)

Tags: , , ,