DOH, nagpaalala sa mga sakit na maaaring makuha ngayong malamig ang panahon

by Radyo La Verdad | February 14, 2017 (Tuesday) | 1642


Muling bumaba ang temperatura dito sa Baguio City na naitalang 8°celcius kaninang alas sais ng umaga, pinakamalamig ngayon taon.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA ang pagbaba ng temperatura sa rehiyon ay sanhi ng climate change.

Sa Mt. Sto.Tomas, Benguet naman ay bumagsak ang temperatura sa 6° celcius.

Bunsod ng patuloy na paglamig ng klima, pinayuhan ng Department of Health ang publiklo, na mag-ingat sa mga sakit na maaaring makuha ganitong panahon gaya ng ubo, sipon at trangkaso.

Kaya naman ilan sa mga residente at turista sa Baguio ang sinasamantala ang pag-eehersisyo sa burnham park upang makaiwas sa sakit.

Ayon sa DOH kinakailangang mapantiling malakas ang immune system sa pamamagitan nang pagkakaroon ng healthy lifestyle.

Inaasahan na magpapatuloy ang pagbaba ng temperatura sa City of Pines hanggang sa February 20.

(Grace Doctolero / UNTV Correspondent)

Tags: ,