DOH nagpaalala laban sa bagong Langya Henipavirus na nadiskubre sa China

by Radyo La Verdad | August 15, 2022 (Monday) | 6674

METRO MANILA – Nagpaalala ang Department Health (DOH) sa publiko laban sa bagong Langya Henipavirus o Layv na hinihinalang galing sa hayop na shrew sa China.

Ayon sa ulat mahigit 30 tao na karamihan ay magsasaka sa mga lalawigan ng Shandong at Henan sa China ang nakitaan ng Langya virus.

Ilan sa mga sintomas ng Langya na naiulat sa mga pasyente ay lagnat, ubo, pagsusuka, pananakit ng ulo, at labis na pagkapagod.

Nakitaan din ang ibang pasyente ng blood-cell abnormality at pinsala sa atay at bato.

Mahigpit na paalala sa publiko ni DOH Officer-In-Charge Usec. Maria Rosario Vergeire, patuloy na sundin ang parehong minimum public health standards kontra COVID-19 para maiwasan ang iba pang mga sakit.

Tags: ,