DOH, nagbabala vs superspreader events ngayong holiday season

by Radyo La Verdad | November 16, 2022 (Wednesday) | 13633

METRO MANILA – Nagbabala ang Department of Health (DOH) na posible pa rin ang tinatawag na super spreader events ngayong holiday season.

Ito ay kahit tila normal na lamang at balewala na sa marami ang pagsisiksikan sa matataong lugar.

“As long as the virus is here, as long as it is circulating in our country, the risk of superspreader events would always be there halimbawa hindi siya bakunado, halimbawa hindi siya nagsusuot ng mask kahit matao ang lugar, halimbawa siya ay matanda or di kaya ay may sakit tapos na-infect siya diba” ani DOH OIC, Usec. Maria Rosario Vergeire

Ilan sa paalala ng DOH para iwas hawaan ngayong holiday season ang palagiang pagsunod sa minimum health protocols at pagpapabakuna.

Hanggat maaari ay umiwas sa mga lugar na siksikan ang mga tao at walang maayos na bentilasyon.

Payo rin ng DOH sa publiko na maging matalino kung kailan dapat alisin ang face mask.

Tags: ,