Naka-code white alert na ang Department of Health (DOH) dahil sa inaasahang pananalasa ng Bagyong Ompong sa mga susunod na araw.
Babala ng DOH sa publiko lalo na sa mga magulang, bantayan ang kanilang mga anak at pagbawalang bumabad at lumangoy sa baha dahil sa sari-saring sakit na maaaring makuha dito.
Bukod sa leptosprosis, kabilang sa pangunahing malubha at posibleng nakamamatay na sakit tuwing may pagbaha ang dengue, ubo at sipon o trangkaso, mataas na lagnat at cholera.
Ayon kay Usec. Eric Domingo ng DOH, kontaminado ang tubig baha ng sari-saring mga bacteria at virus. Halo-halong polusyon aniya ang nasa tubig baha lalo na sa mga lugar malapit sa estero, palikuran at sa mga sewerage system.
Pinaka delikadong mangyari ang makainom ng tubig baha ang isang bata na maaaring pagmulan ng diarrhea o kaya ng malubhang sakit na cholera.
Mahalaga aniya na masiguro ng mga magulang na may suplay ng malinis na tubig inumin, pang-hugas ng kamay at panligo sa loob ng tahanan tuwing bumabagyo.
Paalala ng DOH, kapag nakaranas ng pagtatae ng mahigit apat na beses isang araw, magpa-ospital na upang maagapan ang dehydration. May sapat din aniyang suplay ng oresol o oral rehydration solution sa mga rural health units sa bansa.
Dapat din aniyang may naka-handang mga gamot sa ubo, sipon at lagnat o paracetamol sa bahay bilang pang-unang lunas sa mga pangkaraniwang sakit.
Samantala, pinangangambahan din ng DOH ang posibleng pagkakaroon ng disease outbreak sa mga lugar na maapektuhan ng Bagyong Ompong.
Kaya naman may naka-preposition ng supply ng gamot at mga kagamitan sa mga rehiyon na tinatayang nagkakahalaga ng 19 na milyong piso.
May nakahanda na ring 40 milyong pisong quick response fund ang DOH sakaling mangailangan ng additional na supply at gamit lalo na sa Northern Luzon.
( Aiko Miguel / UNTV Correspondent )
Tags: Bagyong Ompong, baha, DOH
METRO MANILA – Nilinaw ng Department of Health (DOH) na walang naiulat na nasawi dahil sa Monkeypox na tinatawag na ngayong MPOX.
Ayon kay Health Assistant Secretary Albert Domingo, walang pasyenteng nasawi sa MPOX mula sa anomang rehiyon ng bansa .
Nilinaw ito kasunod ng ulat na iniimbestigahan ng DOH sa Central Visayas ang pagkasawi ng isang 27-anyos na lalaki mula sa Negros Oriental, sa pinaghihinalaang kaso ng MPOX.
Paliwanag ni Asec. Domingo, halos magkahawig kasi ang mga butlig o sintomas ng chickenpox, shingles, herpes, at MPIX.
Kaya paalala niya na antayin ang opisyal na pahayag mula sa DOH at iwasan ang paggamit ng hindi beripikadong impormasyon.
METRO MANILA – Umakyat na sa 9 ang bilang ng mga nagpositibo sa sakit na Pertussis sa buong Caraga region mula January 1 hanggang kahapon, June 3.
Ayon sa Department of Health (DOH), mula sa 5 ay naging 9 ang nagpositibo sa rehiyon sa pagpasok ng buwan ng hunyo. 7 rito ay mula sa Surigao Del Norte habang tig-1 naman sa Agusan Del Norte at Agusan Del Sur.
Samantala, nasa 7 naman ang bagong suspected cases na naitala sa rehiyon. Sa ngayon 3 na ang nasawi dahil sa sakit na Pertussis sa Caraga.
Paalala ng kagawaran sa publiko na ang nasabing sakit ay nagsisimula lamang sa mild cough at lagnat na umaabot hanggang 2 Linggo, at pag-ubo naman na umaabot hanggang 6 na Linggo kaya mas maiging magpatingin agad sa doktor kung makaranas ng mga sintomas na ito upang hindi na lumala pa.
METRO MANILA – Binalaan ni House Deputy Majority Leader at dating Department of Health (DOH) Secretary Janette Garin ang publiko laban sa paggamit ng vape.
Kasunod ito ng naitalang kauna-unahang kaso ng pagkamatay sa Pilipinas dahil sa paggamit nito kung saan ang isang 22 anyos na lalaki ang nasawi matapos ang tuloy-tuloy na paggamit ng vape sa loob ng 2 taon.
Sa isang pahayag, sinabi ng mambabatas na kailangan mamulat na ang lahat sa panganib ng paggamit ng naturang device lalo na sa mga kabataan dahil sa masamang epekto nito sa katawan na maaaring mauwi sa kamatayan.
Ikinababahala ni Representative Garin ang mga ulat na nagsasabing may mga kabataang edad 13 anyos ang nahuling gumagamit na ng e-cigarette at vapes kaya muli nitong binigyang-diin na hindi safe na gawing alternatibong paraan ang nasabing kagamitan para maiwasan ang paninigarilyo.