METRO MANILA – Nagbabala ang Department of Health (DOH) na posibleng magkaroon ng measles outbreak sa mga bata sa susunod na taon ayon kay DOH Officer-In-Charge Maria Rosario Vergeire.
Ito ay kung mananatiling mababa ang immunization rates sa mga susunod na buwan.
Base sa datos ng DOH, mula sa target na 95% immunization, tanging nasa 62.9% na bata at sanggol sa bansa ang fully immunized laban sa vaccine-preventable diseases.
Halos 3 million na mga bata naman ang walang measles vaccination.
Bunsod nito inirekomenda ng ahensya na kailangan na mapalakas pa ang routine immunization sa mga bata at kailangan din ng whole government at society approach para masolusyunan ang naturang problema.
Tags: DOH, measles outbreak