DOH, nagbabala sa mga sakit na maaaring makuha dahil sa epekto ng El Niño phenomenon

by Radyo La Verdad | November 13, 2015 (Friday) | 2639

JANETTE GARIN DOH
Nagbabala ang Department of Health sa publiko sa mga sakit na maaaring makuha kasabay ng pag-iral ng mas maigting na El Niño phenomenon sa bansa.

Ayon sa Department of Health, ang El Niño ay isang uri ng extreme climatic condition na maaaring magresulta sa kakulangan ng tubig at mga karamdaman gaya ng heat stroke at diarrhea.

Maaari ding magkaroon ng skin infection at allergy ang isang tao lalo na kung mahigit 20-minuto na siyang nakababad sa matinding sikat ng araw.

Payo ng DOH sa ating mga kababayan na iwasang magbilad sa araw lalo na sa bandang tanghali.

Dapat ring uminom palagi ng tubig upang huwag ma-dehydrate, magkaroon ng balanced diet at ugaliin ang pagkakaroon ng tamang hygiene.

Tags: ,