DOH nababahala sa tumataas na kaso ng flu-like illness

by Radyo La Verdad | October 20, 2023 (Friday) | 11347

METRO MANILA – Nababahala ang Department of Health (DOH) sa tumataas na kaso ng Influenza-Like Illness (ILI) sa Pilipinas.

Mula January-October 13 ngayong taon ay nakapagtala na ng 151,375 cases ng (ILI) ang kagawaran, 45% itong mas mataas kaysa noong nakaraang taon kung saan nasa 104,613 lamang ang kaso.

Ayon sa DOH nasa 26% ang itinaas ng kaso ng ILI noong September 3-16, 2023 kumpara sa reported cases sa naunang 2 Linggo.

Kinumpirma ng kagawaran na ang tumataas na kaso ng pagkakasakit ay dahil sa pagbabago ng panahon at masusi nilang tututukan ang mga kaso ng Influenza-Like Illness.

Tags: ,