DOH, muling nagbabala sa mga nauusong sakit ngayong tag-init

by monaliza | March 30, 2015 (Monday) | 4871

IMAGE_UNTV-News_MAR192013_Romeo-Daquioag_Boracay
Muling nag-paalala ang Department of Health na mag-ingat sa mga sakit na nauuso lalo na ngayong mainit ang panahon.

Kung pupunta o maliligo sa beach, iwasang magbilad sa araw mula sa alas-diez ng umaga hanggang alas-dos ng hapon para makaiwas sa sunburn.

Gumamit rin ng sunscreen lotion, 30 minutes bago magbilad sa araw bilang proteksyon sa balat. panatilihin rina ng proper hygiene para makaiwas sa skin diseases at iba pang sakit.

Iwasan ring kumain ng sobra upang makaiwas sa pagsusuka, diarrhea at high blood pressure; kung bibiyahe, huwag magbaon ng mga pagkaing madaling mapanis para makaiwas sa food poisoning.

Nauuso rin kapag dry season ang sipon at ubo kaya’t paalala ng DOH na uminom ng maraming tubig para manatiling hydrated, gumamit ng facial mask at magpabakuna laban sa influenza.

Tags: