DOH mahigpit na minominotor ang mga biyaherong pumapasok ng bansa kaugnay ng “Mysterious Disease” mula sa China

by Erika Endraca | January 6, 2020 (Monday) | 6190

METRO MANILA – Nakaalerto ngayon ang mga tauhan ng Bureau Of Quarantine sa lahat ng seaports at airports para paigtingin ang monitoring ng pagpasok ng mga traveler o biyahero sa bansa lalo na sa may mga senyales ng lagnat at respiratory infection.

Ito ay matapos na mapaulat ang umanoy “mysterious disease” galing sa bansang China.

Ayon sa Health Department ang 44 indibidwal sa China ang apektado ng nasabing outbreak.

Batay sa mga ulat, ang naturang sakit ay kahalintulad ng “viral pneumonia” nguni’t hindi pa tukoy kung ano ang pinagmulan nito

Kaya naman hinihikayat ni DOH Sec. Francisco Duque III ang publiko na galing sa China na kaagad na magpatingin sa doktor lalo na kung nakararanas ng flu-like symptoms.

Ayon sa DOH sa ngayon wala lang naiuulat na nasawi sa Bejing dahil sa nasabing sakit.

Base sa report nagsasagawa na rin ng imbestigasyon ang pamahalaan ng Beijing sa nasabing “mysterious disease”.

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: ,