METRO MANILA – Tapos ng balangkasin ng Department of Health (DOH) ang draft Executive Order kaugnay ng pagbababa ng presyo ng nasa 120 gamot sa bansa
Ayon kay Health Sec Francisco Duque III, isusumite na nila ito sa tanggapan ng Pangulong Duterte. Inaasahan ng DOH na bago matapos ang taon lalagdaan na ng Pangulo ang naturang EO.
Bababa ng mahigit 50% ang presyo ng mga gamot sa bansa kapag napirmahan na ng Pangulong Duterte ang EO
Ayon sa Pharmacy Divsion ng DOH, kabilang sa mga gamot na bababa ang presyo ay para sa mga sakit gaya ng Hypertension, Heart And Cardiovascular Diseases, Lung Diseases, Neonatal Diseases, Arthritis, Psoriasis, Diabetes, at Cancer.
Ito ang mga napiling gamot ng DOH na pababain ang presyo dahil mas mahal ang presyo ng mga gamot na ito sa Pilipinas kumpara sa ibang bansa
Ang hakbang na ito ng kagawaran ay bahagi ng pagpapatupad ng cheaper Medicines Act of 2008. Batay sa naturang batas ang tanging Pangulo lamang ang may karapatang mag-regulate o magtakda ng price cap ng mga gamot sa bansa
(Aiko Miguel | UNTV News)
Tags: medicine