DOH magsasagawa ng mass drug administration sa Zamboanga peninsula kontra Filiariasis sa susunod na buwan

by Radyo La Verdad | October 15, 2015 (Thursday) | 2069

dante_doh
Magsasagawa ang Department of Health o DOH regional office nine ng mass drug administration kontra Filiariasis sa susunod na buwan sa Zamboanga peninsula.

Gagawin ito sa Labuan district, Zamboanga city, Isabela city at Zamboanga del Norte.

Ayon sa DOH ito ay sa dahil mataas na kaso ng sakit na filiariasis sa rehiyon partikular na sa mga magsasaka

Sa Zamboanga del Norte mahigit umanong 50% sa mga magsasaka ay nakitaan ng kaso ng Filiariasis

Dalawa na rin ang naitalang ng doh na namatay sa rehiyon dahil sa naturang sakit

Kabilang sa may mataas na kaso ng filiariasis sa probinsya ay ang mga munisipalidad ng Sibuco, Sirawai, Siocon, Baliguian, Roxas at Dutalac.

Kung saan karamamihan sa mga residente ay umaasa sa pagtatanim o pagsasaka.

Ang Filiariasis ay isang uri ng parasitic disease sanhi ng inpeksyon ng roundworms na nakukuha naman sa kagat ng lamok o black flies.

Kabilang sa sintomas nito ay ang pamamaga ng ibat-ibang bahagi ng katawan at kapag hindi naagapan ay tuluyang ikamatay ng isang pasyente.

Kadalasang aabot pa sa lima hanggang sampung taon bago makita ang mga sintomas ng sakit sa isang tao.

Dagdag pa ng ahensya posibleng ang mataas na kaso sa mga nasabing lugar ay dahil malayo at hirap maabot ng kanilang mga tauhan, kulang din ang health personnel, isyu sa seguridad at kakulangan ng kaalaman ng mga residente hinggil sa sakit..

Kaya naman sa mass drug administration na isasagawa ay paiinumin ang lahat ng indibidual na may edad na dalawang taon pataas ng apat na D-E-C o Diethylcarbamazine Citrate at isang albendazole.(Dante Amento/UNTV Correspondent)

Tags: ,